24 oh-so-random Facts About Me

Ilang oras na lang Oktubre na. Excited ako, birth month ko ‘yun. At dahil 24th year ko na sa aking kaarawan (naks! Tanda ko na, keenes), eto ang dalawampu’t apat na random na bagay tungkol sa’kin. ‘Yung iba alam na ng mga nakakilala sa’kin. ‘Yung iba ewan ko lang kung halata.

  1. Hindi ako mahilig sa pagkaing maanghang. Subukan mo lang pakainin ako nu’n, isasaksak ko sa baga mo. Joke lang. May tolerable level lang ng anghang ang kaya kong kainin.
  2. Meron akong purity ring sa kaliwang palasingsingan. Na-inspire kasi ako sa pinanood kong pelikula, ‘yung “Courageous.” Binigyan ‘yung dalagita ng tatay niya ng purity ring. Wedding ring lang daw ang pwedeng ipalit dun. Kinilig ako, konti lang.
  3. Dilaw ang paboritong kulay ko. Hindi purple at lalong hindi pink. Pero marami akong gamit na kulay purple at pink.
  4. Hindi ako OC (obsessive-compulsive) pero kapag nagsasampay ako ng damit ko, nakahilera sila ayon sa kulay. Natuklasan ko tuloy na marami akong dilaw, itim, puti at pink na damit.
  5. Naniwala ako noon na kapag uminom ako ng kape, hindi na ako tatangkad. Pero salamat na lang at marunong na akong magkape (mga 7 years ago). Ooh lala.
  6. Naniniwala akong creative ako pero sa sobrang tamad  ko magsulat ng ideas, naglalaho sila bigla o kaya naiiba ‘yung thought.
  7. Mahilig akong kumain sa karinderya lalo na nu’ng college. Una, tamad akong magluto. Pangalawa, kuripot ako.
  8. Ayokong napapagalitan ako ng titser ko pero nu’ng bata pa ‘ko, napagalitan ako sa mga sumusunod na dahilan:Kinder 2 (Prep ngayon): Naiwan ko ‘yung ID ko sa bahay. Pinatayo kami ng titser ko sa harapan. Buti na lang marami kami. (mga 6 siguro)

    Grade 3: Pinatayo kami ng titser ko sa Math sa kabilang classroom dahil wala kaming assignment. Buti na lang ulit marami kami.

    2nd year High School: Pinagsulat kami ng “I will bring my PE uniform next time” sa limang sheets ng intermediate pad. Back to back.

  9. Mahilig ako sa lumang pelikula (mga 1950s – 1990s) dahil palagay ko mas may talent ‘yung mga artista noon.
  10. Kabisado ko ang Bohemian Rhapsody ng Queen, ilang kanta ng Beatles, pati ‘yung Making Love Out of Nothing at All ni Bonnie Tyler. May thrill kasing kantahin ‘yun.
  11. Produkto ako ng Catholic school pero uma-attend ako ng Sunday School at Daily Vacation Bible School (DVBS) nung elementary ako. Na-born again ako nu’ng college, sa Baguio. Una kong natutunan ang magdasal. ‘Yung totoong dasal, hindi memorize lang.
  12. Malakas akong kumain pero hindi ako tumataba. Mahirap akong patabain. Like, you know…
  13. Mahilig akong mag-picture ng kung anu-anong bagay. Minsan nabo-bother ‘yung ibang tao. Pero naniniwala kasi akong hindi mo na pwedeng ulitin ang isang eksaktong larawan sa ibang pagkakataon.
  14. Pag tinatanong ako noon kung anong gusto kong maging paglaki ko, sinasabi ko “doktor” o kaya “lawyer.” Parehong hindi natupad. Pero masaya ako ngayon sa ginagawa ko.
  15. Hindi ako suplada. Sarcastic, oo.
  16. Sa ‘di ko malamang dahilan, gusto ko talagang pumunta ng Japan. At hindi porket magja-Japan, gustong maging Japayuki. Inuulit ko, hindi ko alam kung bakit gusto kong mag-Japan 😀
  17. Mahilig akong bumili ng libro lalo na ‘pag sale. Hindi ko pa nababasa lahat ng librong nabili ko.
  18. Ayoko sa mga mag-jowang todo mag-PDA (public display of arte/affection). Hindi dahil single ako. May mga bagay lang talagang sa palagay ko ay dapat nananatiling pribado.
  19. May sentimental value sa’kin ang maraming bagay although natutunan kong may mga bagay na dapat nang bitawan (uy, arte ah).
  20. Hindi pa ‘ko nakakapasok sa kahit anong bar o club. Ayoko ring subukan kahit nasa tamang edad na ‘ko.
  21. Paborito kong banda ang Maroon 5 at patay na patay ako kay Adam Levine pero nahihirapan akong panoorin ang mga music videos nila. Masyadong maselan.
  22. May fear of heights ako pero ‘di ako takot mag-zipline o umakyat sa matataas na lugar pag may mga kasama.
  23. Kung nagkaron lang ako ng talent, gustong kong sumayaw.
  24. Napag-alaman kong National Coffee Day sa Pilipinas sa birthday ko. Dahil dyan, magpapakape ako. ‘Yung 3-in-1.

‘Yun lang. Medyo marami ang 24. Baka next time, marami na ulit akong matutunang random tungkol sa sarili ko. Happy October! Happy birthday month to me! ❤