Lasang Toothpaste

Pagkatapos mong magsepilyo, ‘wag agad kakain o iinom ng kahit na ano. Ang pangit ng lasa! Malinis nga ‘yung bibig mo, ang bango pa sa hininga pero di ibig sabihin kailangan mo nang kumain o uminom ulit kaagad.

Parang pag-ibig…

Huwag ka agad maghanap ng iba. Akala mo lang okey ka na, malinis at bago na mula sa nasawing pagsinta. Pero baka pumait agad. Huwag muna.